Kasarian ng Pangngalan

Ang pangngalan (noun) sa salitang ingles ay ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, pook, o pangyayari. 

KASARIAN NG PANGNGALAN

Ang mga kasarian ng Pangngalan ay maaaring Panlalaki, Pambabae, Di Tiyak at Walang kasarian.

1. PANLALAKI  – Ito ay bumabanggit sa tiyak na ngalan ng lalaki.

Halimbawa: tatay, lolo, kuya, ninong, pastor

2. PAMBABAE

  • bumabanggit sa tiyak na ngalan ng babae.

Halimbawa: nanay, lola, ate, tita

3. Di – tiyak

  • kung  ito’y tumutukoy sa ngalang pambabae or panlalaki.

Halimbawa: guro, doctor, pulis, manggagamot

4. Walang Kasarian o pambalake

  •  kung ito’y bumabanggit sa mga pangngalan na walang buhay.

Halimbawa: silya, saging, aklat, kandila

Mga Halimbawa ng Kasarian ng Pangngalan

Narito ang iba pang halimbawa

PanlalakiPambabaeDi-tiyakWalang Kasarian
BinataDalagaKaibiganTula
SantoDilagKasintahanPag-ibig
TiyoHipagKasabayBuhay
BayawAtePulisLuha
LoloInahinAnakIsip
KumpareMadrePinsanPuso
PariReynaKapatidMesa
TandangNinangByenanBituin
TinderoNanayMagulangSalamin
DikoTiyaPanguloPapel

Mga halimbawa ng katambal ang mga pangngalan:

  • Doctor – doktora
  • Dekano – dekana
  • Tindero – tinder
  • Boksingero – boksingera
  • Emperador – emperatris
  • Duke – dukesa
  • Tiyo – tiya
  • Bayaw – hipag
  • Abogado – abogada
  • Konduktor – konduktora

Mga halimbawa ng pangngalang may di-tiyak na kasarian:

  • Dentista – lalaking dentista – babaing dendista
  • Pulis – lalaking pulis – babaing pulis
  • Manlalaro – lalaking manlalaro – babaing manlalaro
  • Nars – lalaking nars – babaing nars