Ating pag-uusapan sa araw na ito ang tungkol sa Pang-abay.
Ano ang Pang-abay?
Ang pang-abay o tinatawag na adverb sa ingles ay bahagi ng panalitang nagbibigay turing o salitang naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay.
17 na Uri ng Pang-abay
Ang pang-abay ay maaari ring mauri sa mga sumusunod: pamaraan, pamanahon, at panlunan, pang-agam, ingklitik, benepaktibo, kusatibo, kondisyonal, pamitagan, panulad, pananggi, panggaano, panang-ayon, panturing, pananong, panunuran, at pangkaukulan.
1. Pang-abay na Pamaraan
Pamaraan – nagsasad kung paano ginawa, ginagawa, o gagawin ang kilos.
Ginagamitan ito ng mga panandang nang, na, o -ng.
Halimbawa:
- Naglakad si Eman nang marahan palabas ng silid.
- Umiyak siya nang malakas.
- Lumabas siya na nakangiti.
- Nagbihis ako nang mabilis.
2. Pang-abay na Pamanahon
Pamanahon – nagsasaad kung kailan ginawa, ginagawa, o gagawin ang kilos. May tatlong uri ang pang-abay na pamanahon: ang may pananda, ang walang pananda, at ang nagsasaad ng dalas.
A. Pamanahong may Pananda
Ito ay ginagamitan ng mga panandang nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, o hanggang.
Mga Halimbawa ng Pang-abay na Pamanahon na may Pananda
- Ako ay mag-eehersisyo umpisa bukas.
- Tuwing bakasyon ay namamasyal kaming magpamilya.
- Buhat ng akoy magkaisip ay nagtitinda na ako ng bulaklak.
- Kapag biyernes ay naglilinis ako ng kwarto.
- Kung Iba ang panahon noon.
- Umpisa bukas ay mag-aaral ako ng mabuti.
B. Pamanahong Walang Pananda
Ito ay ginagamitan ng mga panandang kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali, atbp.
Mga Halimbawa ng Pang-abay na Pamanahon na walang Pananda
- Mamaya ay mag-iikot kame.
- Kahapon ay pumunta kame sa kasal ni Lina.
- Bukas ay mamamasyal kame sa Parke.
- SI luisa ay kanina pa naghihintay kay Luis.
- Ngayon ang laban ni Pacquaio.
C. Pamanahong Nagsasaad ng Dalas
Ito ay ginagamitan ng mga salitang nagsasaad ng dalas. Halimbawa nito ay ang mga salitang araw-araw, taun-taon, tuwing, oras-oras, linggo-linggo, atbp.
Mga Halimbawa ng Pang-abay na Pamanahon na Nagsasaad ng Dalas
- Maligo ka araw-araw.
- Binibisita namin ang aking lola taun-taon.
- Oras-oras niya tinitingnan ang kanyang celphone.
- Tuwing linggo ay pumupunta siya sa simbahan.
3. Pang-abay na Panlunan
3. Panlunan – Nagsasaad kung saan ginawa, ginagawa, o gagawin ang kilos. Ilan sa mga panandang ginagamit dito ay ang mga salitang sa, kina, o kay.
Sa – ginagamit kapag ang kasunod ay isang pangngalang pambalana o isang panghalip.
Kay o Kina – ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pantangi na pangalan ng isang tao.
Mga Halimbawa ng Pang-abay na Panlunan sa Pangungusap
Halimbawa:
- Makikipagkita ako kay Edwin sa simbahan.
- Dinala namin ang mga lutong pagkain kina Fraudelin.
- May nakita akong magandang damit sa mall.
- Bibisita kame kina Loisa bukas.
4. Pang-abay na Pang-agam
Ang pang-abay na pang-agam ay nagbabadya ng di-katiyakan o pag-aalinlangan sa pagganap sa kilos ng pandiwa.
Ginagamitan ito ng mga pariralang marahil, siguro, tila, baka, wari, o parang.
Mga Halimbawa ng Pang-abay na Pang-agam sa Pangungusap
- Parang nagbago ang ugali ni Leni.
- Siguro ay pupunta kame sa palengke bukas.
- Marami na marahil ang nascam ni Toto.
- Baka sa susunod na linggo kame ikakasal.
5. Pang-abay na Ingklitik o Kataga
Ang pang-abay na ingklitik ay mga kataga na karaniwang nakikita pagkatapos ng unang salita sa pangungusap.
Ang mga ito ay ang man, kasi, sana, nang, kaya, yata, tuloy, lamang/lang, din/rin, ba, pa, muna, pala, na, naman, at daw/raw.
*ba – nagsasaad ng pagtatanong na nagbibigay- diin sa pangungusap
*daw o raw – ginagamit sa di-tuwirang pahayag
*din o rin – nagsasaad ng pagsang-ayon
*kasi – nagpapahayag ng pagdaramdam, pagsisisi, o paninisi
*kaya – nagpapahiwatig ng pag-aagam-agam
*lamang o lang – nagsasaad ng pagtatangi, ng pangyayaring katatapos kani-kanina
*man – nagsasaad ng pinakamaliit na aksyon
*muna – nagsasaad na may gawain pa o ng paghihintay
*na – nagsasaad ng natapos na o nagawa na
*nga – nagsasaad ng pagpapatunay o pagsang-ayon
*pa – nagsasaad ng karagdagan
*pala – nagsasaad ng pangyayaring hindi inaasahan
*sana – nagpapahiwatig ng nais mangyari
*yata – nagsasaad ng pag-aalinlangan o walang katiyakan
Mga Halimbawa ng Pang-abay na Ingklitik o Kataga sa Pangungusap
- Sana ay gumaling na ang aking tita.
- Hindi yata kaya ni Teller ang trabaho sa Pabrika.
- Alam pala ni Tonyo ang lihim ni Rea.
- Saan pa kayo pupunta?
- Siya naman ang pag-igibin mo ng tubig.
- Paano kaya kung lumipat ako ng tahanan.
6. Pang-abay na Benepaktibo
Ito ay nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao dahil sa pagkaganap sa kilos ng pandiwa o layunin ng pandiwa.
Ginagamitan ito ng panandang para sa.
Mga Halimbawa ng Pang-abay na Benepaktibo sa Pangungusap
- Kumain ka ng gulay para sa kalusugan mo.
- Naghahanapbuhay si Man Kanor para sa kanyang pamilya.
- Nagbebenta ng bulaklak si Trina para sa kanyang pag-aaral.
- Ang mga sundalo ay nakikipaglaban para sa bayan.
7. Png-abay na Kusatibo o Kawsatibo
Ito ay nagsasaad ng dahilan sa pagganap ng kilos ng pandiwa. Ginagamitan ito ng parirala na pinangungunahan ng dahil sa.
Mga Halimbawa ng Pang-abay na Kusatibo o Kawsatibo sa Pangungusap
- Bumagsak ako sa Math dahil sa katamaran ko.
- Nagkasakit ako dahil sa pagligo sa ulan.
- Dahil sa kanya ay napariwara ang buhay ko.
- Dahil sa katarantaduhan ni Eloy ay nakulong siya sa Presinto.
8. Pang-abay na Kondisyonal
Nagsasaad ito ng kondisyon para maganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa. Ito ay may pariralang kung, kapag/pag, o pagka.
Mga Halimbawa ng Pang-abay na Kondisyonal sa Pangungusap
- Matututo kang magsalita ng ingles kung ikaw ay magsasanay parati.
- Hindi ka maghihirap kapag ikaw ay masipag.
- Bibili tayo ng iyong laruan kung naubos mo ang iyong pagkain.
- Magiging masaya kayong mag-asawa kung di kayo mag-aaway.
- Hindi ka magkakasakit kung iingatan mo ang iyong katawan.
9. Pang-abay na Pamitagan
Ito ay nagsasad ng paggalang. Ginagamitan ito ng mga salitang po, opo, ho, o oho.
Mga Halimbawa ng Pang-abay na Pamitagan sa Pangungusap
- Ano po ang bibilhin nyo?
- Naglalaro po kame ng Chess.
- Opo, bababa na po ako.
- Bakit ho kayo nag-away?
10. Pang-abay na Panulad
Ginagamit ito sa pagtutulad ng dalawang mga bagay. Ito ay ginagamitan ng salitang kaysa.
Mga Halimbawa ng Pang-abay na Panulad sa Pangungusap
- Mas matalino si Karen kaysa kay Jason.
- Mabilis tumakbo si James kaysa kay Tony.
- Ang gusto ko ay matulog kaysa kumain.
- Ang kalusugan ay mahalaga kaysa sa kayamanan.
11. Pang-abay na Pananggi
Nagsasaad ito ng pagtanggi o pagtutol. Ito ay ginagamitan ng mga pariralang hindi, di at ayaw.
Mga Halimbawa ng Pang-abay na Pananggi sa Pangungusap
- Ayow ni Freddy matulog ng maaga.
- Hindi na ako magpapautang.
- Ayaw kong pumunta sa sinehan.
- Di na ako kakain ng Maaala na pagkain.
12. Pang-abay na Panggaano o Pampanukat
Nagsasaad ang pang-abay na panggaano ng timbang, bigat, o sukat. Ito ay sumasagot sa tanong na gaano o magkano.
Mga Halimbawa ng Pang-abay na Panggaano sa Pangungusap
- Bumili ka ng tatlong kilong bigas.
- Inabot ako ng dalawang oras sa paggawa ng aking proyekto sa Math.
- Nabawasan ang timbang ko ng dalwang kilo.
- Bibigyan kita ng limang kilong saging.
13. Pang-abay na Panang-ayon
Ito ay nagsasaad ng pagsang-ayon. Ginagamit dito ang mga salitang oo, opo, tunay, sadya, talaga, syempre.
Mga Halimbawa ng Pang-abay na Panang-ayon sa Pangungusap
- Oo, manonod ako ng laro niyo bukas.
- Tunay ngang tama ang kutob mo sa kanya.
- Talaga palang mamahalin ang kwintas nya.
- Sadyang napakabait na bata ni Ronie.
14. Pang-abay na Panturing
Ito ay nagpapahayag ng pagkilala o pagtanaw ng utang na loob.
Mga Halimbawa ng Pang-abay na Panturing sa Pangungusap
- Mabuti na lang at pinautang mo ako kung hindi ay kukunin nila itong bahay ko.
- Nang dahil sayo ay nabigyan ako ng parangal.
- Mabuti na lang at nadala mo agad siya sa Ospital.
15. Pang-abay na Pananong
Ito ay ginagamit sa pagtatanong hinggil sa pandiwa, pang-uri o pang-abay.
Mga Halimbawa ng Pang-abay na Pananong sa Pangungusap
- Pano kaya sumali sa kompetisyon?
- Gaano karami ang sumalubong kay Senador Chiz?
- Saan ang daan patungong Baguio?
- Kanino nanggaling ang bago mong bag?
16. Pang-abay na Panunuran
Ito ay nagpapahayag ng pagkakasunod-sunod sa panahon o pagkakalagay.
Mga Halimbawa ng Pang-abay na Panunuran sa Pangungusap
- Sunud-sunod ang pila ng mga tao para makakuha ng ayuda.
- Kahuli-hulihan si Kelly sa pila.
17. Pang-abay na Pangkaukulan
Ito ay ginagamitan ng mga salitang tungkol, hinggil, o ukol.
Mga Halimbawa ng Pang-abay na Pangkaukulan sa Pangungusap
- Ang plano niya tungkol sa kanilang proyekto ay napakaganda.
- Hinggil saan ang napag-usapan nyo sa pagpupulong kahapon?
- Ang palabas ay tungkol sa buhay ni Manny.