Ating pag-uusapan sa araw na ito ang kahulugan ng Bionote, Layunin, Gamit, at mga halimbawa nito. Tara na at sabay sabay tayong matuto.
Kahulugan ng Bionote?
Ang Bionote ay isang maikling impormatibong sulatin (Karaniwan isang talata lamang) na naglalahad
ng mga klasipikasyon ng isang indibwal at ng kaniyang kredibilidad bilang propesyunal.
Taglay nito ang pinakamaikling buod ng mga tagumpay, pag-aaral,pagsasanay ng may akda.
Layunin at Gamit ng Bionote?
Ginagamit ang Bionote para sa personal profile ng isang tao, tulad ng kanyang academic career at
iba pang impormasyon ukol sa kanya.
May apat na maaaring paggamitan ng bionote ayon kay Levy (2005):
- Aplikasyon sa trabaho,
- Paglilimbag ng mga artikulo, aklat blog,
- Pagsasalita sa mga pagtitipon, at
- pagpapalawak ng network propesyonal
Uri ng Bionote
1. Maikling tala ng may-akda– Ginagamit para sa journal at antolohiya. Ito ay maikli ngunit siksik sa impormasyon.
Nilalaman nito ay ang mga sumusunod:
• Pangalan ng may-akda
• Pangunahing Trabaho
• Edukasyong natanggap
• Akademikong parangal
• Dagdag na Trabaho
• Organisasyon na kinabibilangan
• Tungkulin sa Komunidad
• Mga proyekto na iyong ginagawa
• Pamagat ng mga nasulat
• Listahan ng parangal
• Edukasyong Natamo
• Pagsasanay na sinalihan
• Karanasan sa propisyon o trabaho
• Gawain sa pamayanan
• Gawain sa organisasyon
2. Mahabang tala ng may-akda– Mahabang prosa ng isang Curriculum vitae. Karaniwan ito ay naka dobleng espasyo
Ginagamit ito sa mga sumusunod:
• Ginagamit sa encylopedia
• Curriculum Vitae
• Aklat
• Tala sa aklat ng pangunahing Manunulat
• Tala sa hurado ng mga lifetime awards
• Tala sa administrador ng paaralan
• Nilalaman ng isang mahabang tala ng may akda
• Kasalukuyang posisyon
• Pamagat ng mga nasulat
• Listahan ng parangal
• Edukasyong Natamo
• Pagsasanay na sinalihan
• Karanasan sa propisyon o trabaho
• Gawain sa pamayanan
• Gawain sa organisasyon
Mga Dapat Tandaan
Karaniwang hindi binabasa ang mahabang bionote, lalo na kung hindi naman talaga kahanga-hanga ang mga dagdag na impormasyon. Ibig sabihin, mas maikli ang bionote, mas babasahin ito. Sikaping
paikliin ang iyong bionote at isulat lamang ang mahahalagang impormasyon. Iwasan ang pagyayabang.
Gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw
Laging gumamit ng pangatlong panauhang pananaw sa pagsulat ng bionote kahit na ito pa ay tungkol sa sarili. Halimbawa:
“Si Anthony H. Abenido ay nagtapos sa kursong BS Nursing sa UP-Diliman. Siya ay
kasalukuyang nagtatrabaho sa isang malaking hospital ng Maynila.
Gumagamit ng baligtad na tatsulok
Katulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong sulatin, unahin ang pinakamahalagang impormasyon. Ito ay dahil sa ugali ng maraming taong basahin lamang ang unang bahagi ng sulatin. Kaya naman sa simula pa lamang ay isulat na ang pinakamahalagan impormasyon.
Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangaian
Mamili lamang ng mga kasanayan o katangian na angkop sa layunin ng iyong bionote. IWASAN ito: “Si Russel ay guro/manunulat/ mangigisda/ environmentalist/ chef.” Kung ibig pumasok bilang guro sa panitikan, halimbawa, hindi na kailangan banggitin sa bionote ang pagiging negosyante o chef.
Binabanggit ang degree kung kailangan
Kung may PhD sa antropolohiya, halimbawa, at nagsusulat ng artikulo tungkol sa kultura ng Ibanag sa Cagayan, mahalagang isulat sa bionote ang kredensyal na ito.
Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon
MInsan ay kinakailangang iangat ang sarili lalo na kung madami kang kakompetensya sa trabaho, upang matanggap sa inaaplayan at upang maipakita na mas nakakaangat ang iyong kakayahan. Ngunit dapat ay tama at totoo ang impormasyon at huwag gawa gawa lamang. Hindi ito etikal at maaaring mabahiran ang reputasyon dahil dito.