Ating pag-uusapan ang pagkakaiba ng konkretong pangngalan sa di konkretong pangngalan. Ngunit bago tayo mag simula, atin munang uliting ang kahulugan ng Pangngalan.
Ang Pangngalan o noun sa ingles ay tumutukoy sa ngalan ng tao, pook, bagay, hayop, lugar o pangyayari.
Konkretong Pangngalan
ang pangngalang nahahawakan, nakikita, nalalasahan at iba pang nagagamitan ng pandama. Ito ay tumutukoy sa mga pangngalang materyal o mga bagay na nakikita at nadarama.
Di-konkretong Pangngalan
ang pangngalang tumutukoy sa kalagayan o kundisyon. Ito ay tumutukoy sa mga
pangngalang di-materyal. Ito’y mga bagay na matatagpuan lamang sa diwa o kaisipan.
Halimbawa ng Konkreto at di konkretong Pangngalan
Upang lubusan niniyong maintindihan ang kahulugan ng Konkreto at di konkretong Pangngalan, narito ang mga halimbawa nito.
Konkreto Halimbawa
- dyaryo
- manok
- kapaligiran
- pari
- lalawigan
- salamin
- mesa
- guro
- bulaklak
- pagkain
Di-Konkreto Halimbawa
- paggalang
- katipiran
- katahimikan
- pag-ibig
- kalusugan
- kabayanihan
- katalinuhan
- kabutihan