– Sa paksang ito, ating tatalakayin ang layunin ng APEC. Atin ding alamin ang iba pang karagdagang impormasyon ukol sa paksang ito. Tara na’t ating simulan!
Bago natin alamin ang layunin at kahalagahan nito, atin munang balikan kung ano nga ba ang APEC.
Ano nga ba ito?
– Ang APEC o tinatawag na Asia Pacific Economic Cooperation ay isang porum o regular na pagtitipon ng 21 gobyerno ng mga bansa sa Pacific Rim (o magkabilang bahagi ng Pacific Ocean) para maitulak ang pagpapatupad ng “malayang kalakalan” sa Asya-Pasipiko.
Binubuo lang noon ng 12 bansa ang APEC nang magsimula ito noong 1989 sa Australia. Itinatag ito sa panahong nagbabago ang kalagayan ng pandaigdigang ekonomiya dahil sa unti-unting pagkalusaw ng Soviet Union at pagpasok ng China sa pandaigdigang sistemang kapitalista.
Ano ang layunin nito?
– Ang layunin nito ay patatagin ang kalakalan at ekonomiya ng mga bansang Asya kasama ang mayayamang bansa na itinuturing na Lider sa masiglang kalakalan at ekonomiya sa buong mundo tulad ng Estados Unidos, Canada, Japan, Australia, China at iba pa. Itinatag ang samahang APEC upang pasiglahin, patatagin at protektahan ang kalakalan sa Asya Pasipiko, na may potensyal, balanse at seguradong paglago sa pag-aangkat at pagluluwas ng mga kalakal. Inaalam din ng samahan kung ano ang mga balakid sa pag-unlad, at kung ano ang magagawa ng mga ito upang mapigilan kung hindi man matanggal ang mga balakid na ito.