Ang pang-uri ay isang bahagi ng pananalita na nagbibigay ng deskripsyon o turing sa mga pangngalan o panghalip.
Ang pang-uri ay ginagamit upang mas bigyang-linaw, bigyang-kulay, o bigyang-diin ang mga salitang tinutukoy nito. Halimbawa, sa pangungusap na “Ang bata ay masayahin”, ang salitang “masayahin” ay isang pang-uri na naglalarawan sa katangian ng pangngalan na “bata”.
Ang pang-uri ay tinatawag na adjectives sa wikang ingles.
Ang pang-uri ay nagbibigay ng karagdagang impormasyon tungkol sa isang pangngalan (tao, bagay, hayop, lugar, atbp.) o panghalip sa pangungusap.
Halimbawa ng Pang-uri
Narito ang mga halimbawa ng Pang-uri.
- Maganda ang babaeng dumaan dito kanina.
- Si Tanya ay masipag.
- Masarap ang luto na pagkain ni lola.
- Matalino ang anak ni Aling Puring.
- SI Tonyo ay matangkad.
- Ang aking anak ay iyakin.
- Ang kanilang tahanan ay malaki.
Mga Uri ng Pang-uri
May tatlong Uri ng Pang-uri. Ito ay ang panlarawan, pantangi, at pamilang.
May mga pang-uri ring kaugnay ng pandama. May ma bagay na nauuri natin ang katangian sa pamamagitan ng pandama tulad ng: matalas at matulis; makinis o magaspang; malamig o mainit; makati at mahapdi.
1. Panlarawan
Ito ay naglalarawan ng katangian ukol sa laki, kulay, hugis o kalagayan ng pangngalan o panghalip. Maaaring ilarawan din ang anyo, amoy, tunog, yari, at lasa ng bagay. Ang mga pang-uring panlarawan ay karaniwang nagsasaad ng mga katangian na napupuna gamit ang limang pandama (five senses). Nailalarawan din ng mga panguring panlarawan ang mga katangian ng ugali, asal, o pakiramdam ng tao o hayop.
Halimbawa: malaki, itim, bilog, mabait
- Matabang ang luto ni Helen.
- Maliit ang kanilang kusina.
- Malinis ang kanilang bakuran.
- Malaki ang katawan ni Pilo.
- Si Janice ang babaeng nakasuot ng pulang bestida.
- Iwasan mong kumain ng mga pagkain na masyadong matamis.
2. Pantangi
Sinasabi ng pang-uring pantangi ang tiyak na pangngalan. Binubuo ito ng isang pangngalang pambalana at isang pangngalang pantangi.
Ang pang-uring pantangi ay binubuo ng isang pangngalang pambalana (common noun) at isang pangngalang pantangi (proper noun). Ang pangngalang pantangi (na nagsisimula sa malaking titik) ay naglalarawan o tumutukoy sa uri ng pangngalang pambalana.
Mga Halimbawa ng Pang-uring Pantangi sa Pangungusap
- Nahihirapan magsalita si Ana ng wikang Ingles.
- Pagyamanin natin ang kulturang Pilipino.
- Ang pansit Malabon ay dapat matikman mo.
- May kakilala akong lalaking Tsino.
- Ang pasalubong ni nanay ay pagkaing Italyano.
3. Pamilang
Pang-uring Pamilang (Numeral Adjective). Ang pang-uring pamilang ay nagsasabi ng bilang, dami, o posisyon sa pagkakasunodsunod ng pangngalan. Ito ay nagsasaad ng bilang ng pangngalan o panghalip.
Mga Uri ng Pang-uring Pamilang
May anim na uri ang Pang-uring Pamilang. Ito ay ang mga sumusunod.
- Patakaran
- Panunuran
- Pamahagi
- Pahalaga
- Palansak
- Patakda
1. Patakaran
Patakaran o Patakarang Pamilang Ito ay nagsasaad ng aktuwal na bilang ng tao o bagay. Ito ay mga basal na bilang o numeral.
Mga halimbawa ng patakarang pamilang
- Mayroong isang lalaki na sumusnod sa akin.
- Sina Trina at Lito ay may anim na anak.a
- Kumain ako ng dalawang itlog ngayong umaga.
2. Panunuran
Panunuran o Panunurang pamilang Ito ay nagsasaad ng posisyon ng pangngalan sa pagkasunod-sunod ng mga tao o bagay. Isinasabi ng mga ito kung pang-ilan ang tao o bagay.
Mga halimbawa ng panunurang pamilang
- Ako ang ikalimang mag-aaral na napiling lumahok sa kompetisyon.
- Nakamit ni Joseph ay unang gantimpala sa paligsahan.
- Binigyan ko ng pangalawang pagkakataon ang aking asawa.
- Gawin mo ang pagsasanay sa ika-labingpitong pahina ng aklat.
3. Pamahagi
Pamahagi o Pamahaging Pamilang Ito ay nagsasaad ng bahagi ng kabuuan ng pangngalan. Ang unlaping tig- ay nagsasaad ng pantay na pamamahagi (equal distribution). Ginagamit ito kapag ang bilang ng bagay na ibinigay o natanggap ay parepareho.
Maaari rin na may anyong bahagimbilang o hating-bilang (fraction sa Ingles) ang pamahaging pamilang. Ginagamit din ang salitang bahagdan, persentahe, o porsiyento pagkatapos ng bilang para sa bahagi ng isang daan.
Ang mga sumusunod ay mga salita para sa mga bahagimbilang o hating-bilang:
- kalahati (half, 1⁄2)
- katlo (one-third, 1⁄3)
- kapat (one-fourth, 1⁄4)
- kalima (one-fifth, 1⁄5)
- kanim (one-sixth, 1⁄6)
- kapito (one-seventh, 1⁄7)
- kawalo (one-eighth, 1⁄8)
- kasiyam (one-ninth, 1⁄9)
- kasampu (one-tenth, 1⁄10)
- sangkapat (1⁄4 )
- sangkalima (1⁄5 )
- dalawang-katlo (2⁄3 )
- apat na kalima (4⁄5 )
- limang-kawalo (5⁄8 )
- pitong-kasiyam (7⁄9 )
- tatlo at kalahati (3 1⁄2 )
- lima at sangkapat (5 1⁄4 )
Mga halimbawa ng pamahaging pamilang
- Ayaw ni Toto ang umutang kay Pilo dahil sa limang persentaheng tubo kada taon.
- Tiglilimang lapis ang ibibigay sa mga mag-aaral..
- Gumamit ako ng kalahating tasa ngtubig sa pagluto.
- Sangkapat na mangkok ng kanin lang ang kinain ni Carlo.
4. Pahalaga
Pahalaga o Pahalagang Pamilang Ito ay nagsasaad ng halaga (katumbas na pera) ng bagay o anumang binili o bibilhin.
Mga halimbawa ng pahalagang pamilang
- Bumili si Linda ng pisong tsokolate para sa kanyang bunsong kapatid.
- Binebenta ng higit limang milyon ang bahay nila Jenny.
- Binigyan ako ng Tatlumpong pisong load galing sa kapatid ko.
5. Palansak
Palansak o Palansak na Pamilang Ito ay nagsasaad ng pagpapang-pangkat ng mga tao o bagay. Itinutukoy nito ang bilang na bumubuo ng isang pangkat ng tao o bagay na pinagsama-sama. Halimbawa, ang palansak na pamilang na dala-dalawa ay may kahulugan sa Ingles na “by twos”, “in pairs” o “in groups of two.”
Mga halimbawa ng palansak na pamilang
- Dala-dalawang pakete ng kape ang iniinom ni Lori.
- Sampu-sampu ang tao na nagsisidatingan sa Concert ni Sarah.
- Waluhan ang mga estudyante sa bawat kuwarto ng dormitory.
6. Patakda
Patakda o Patakdang Pamilang Ito ay nagsasaad ng tiyak na bilang ng pangngalan. Ang bilang na ito ay hindi na madadagdagan o mababawasan pa.
Mga halimbawa ng patakdang pamilang
- Iisa lang ang binili nyang notebook.
- Dadalawang subo lamang at busog na ang aking anak.
- Aapat ang binili kong itlog.
- Wawalong mag-aaral ang kasama sa piknik.
Kaantasan ng Pang-uri
May tatlong (3) antas o kaantasan ng pang-uri: ang lantay, pahambing, at pasukdol.
1. Lantay
Ito ay ang pang-uring nag lalarawan sa isa o 1 pangkat ng tao,bagay,pangyayari
2. Pasukdol
Ito ay para sa pagtutulad ng dalawang tao, bagay o pangyayari.
3. Pahambing
Ito ay ginagamit upang ipakita ang kahigitan ng isang bagay kaysa sa karamihan o sa lahat.
A. Pahambing na Magkatulad
Ito ay kung nagtataglay ng magkatulad na katangian, kagamitan ng panlaping: sing, kasing at magkasing
Halimbawa:
◉ kasingpalad
◉ singganda
◉ magkasinggaling
B. Pahambing na Di-magkatulad
Ito ay kung hindi magkapantay sa katangian, gumamit sa salitang di-gaano, mas, higit o lalo bago ang pang-uri at sinusundan ng: tulad, gaya o kaysa.
Halimbawa:
◉ Si Joy ay higit na magaling kaysa kay J
Comments are closed.